Honey and Clover- season 1
ito na ata ang anime na talagang nagpapaiyak sa akin. kaya naman ikwe-kwento ko ang mga napanood ko.
Story ito ng 5 magkakaibigan/schoolmates. Excluded yung prof nila, pero isa din yun sa major character. Ang pangalan ng mga charac. ay: Hagumi Hanamoto, Ayumi Yamada, Yuuta Takemoto, Shinobu Morita at Mayama Takumi. Ang anime ay nagpapalabas ng “love story” ng bawat charac. at medyo na rin sa buhay art student sa Japan, at paghahanap ng trabaho. Hindi ko alam ang setting, yung exact, pero ang alam ko, sa Tokyo yun.
CHARACTERS:
Hagumi Hanamoto= talentado at mahilig mag-drowing. Specialty nya nag painting. Dinala sya ng tito nya sa art university sa Tokyo nang mamatay ang lola nya. Although hindi masyadong halata, na-mention ng ibang characters na may gusto sya sa magaling na sculptor student, si Morita.*nakakaiyak yung nung kinuha na sya ng tito nya, saka nung wala syang nakuhang clover*
Ayumi Yamada= nasa pottery naman sya. Magaling din. May gusto kay Mayama, pero sobrang imposible dahil may gusto itong iba. Nagpapakatanga at martir kay Mayama. Hindi nya kasi matanggap ang katotohanan.*naiyak ako nung sinabi nya kay Mayama yung feelings nya,, kaso nga, basted sya. Saka yung nung nakita nya na pinuntahan ni Mayama si Rika..:(*
Yuuta Takemoto= architertural student. Hindi sikat, hindi talentado. Mabuting kaibigan kay Morita. May gusto kay Hagu. Namatay ang tatay nya ng bata pa sya, sakitin kasi. Nurse ang nanay nya at may bago nang asawa na kabaligtaran ng tatay nya; as in “burly, strong man”. Madalas naka-bike. Sa kalaunan ng anime, magse-self discovery sya.*basta naiyak ako…ayun! nakakaiyak pala yung “why he hates christmas”*
Shinobu Morita= genius. Sculptor. May gusto din kay Hagu. Pero parang hindi malinaw. Ewan ko ba, basta ganun. Laging nawawala dahil may “business” sila ng kuya nya.(malalaman kung ano yun @ ang dahilan sa season 2). Pinapahalagahan din nya si Ayu(Ayumi). Parang magkaibigan kasi sila eh. Isip-bata. *mas naiyak ako sa kwento nya sa season 2*
Mayama Takumi= pinaka-mature daw. Gusto ni Ayu. Pero ayaw nya, mahal nya nag babaeng nagngangalang Rika, classmate dati ng prof nya. *nakakaiyak din yung stoya ng buhay ng babaeng ito ha!*
